may joke si Guia.
Aug. 15th, 2008 08:41 pmThe question:
Anong epic ang pinakanangangailangan?
( The answer. )
Masarap talaga ang Coke na pinaghalo sa orange juice. XD
At dapat pala hindi ako nagloko sa directory namin. Ngayon natatawa sa ginawa ko ang mga Sodium classmates ko. Igi at Camcam kasi.
---
With the recond Pisay students have, I sincerely doubt I can say that I am the best of them all at cramming.
But I have the right to be proud of myself.
Kasi na-pass ko pa ACET form ko. XD
Takbo sa registrar, hiningi ang transcript, pinagtawanan ni Simeon kasi ang sabog ko raw. Takbo sa guidance, nalaman may maghahabol pa ng forms sa Ateneo. Takbo sa locker, kasi naiwan ko doon ang ID pics ko, sabay tawa na naririnig hanggang ground floor. (At nasa third floor ang locker ko.) Nahulugan ng bag na siniksik sa locker kasi tinamad akong magdala ng bag sa caf. Takbo ulit sa guidance at tinapos ang forms. Nag-shotgun ng courses. Nalamang wala pala akong acknowledgement form. Nagpaphotocopy ng acknowledgement forms. Naalala na naiwan ko ang wallet ko sa locker, kasama ng bag ko. Takbo sa second floor back landing at humingi ng piso. Binigyan ni Jan ng piso. Takbo uli sa guidance, may feeling na ng accomplishment. Alis ng guidance na akalang tapos na ang forms ko. Takbo pabalik ng guidance at bigla kong naalalang wala pa akong signature.
But what the heck. It was done. It doesn't matter that Frances beat me at cramming- she did her essay on that day.
"Tennessee said it best- sometimes there's God so quickly."