Naiinis ako. Sorry na at nainis ako, at kung naiinis ako nagtatagalog ako, ewan ko lang kung bakit.
Sa motor na isang linggo nang pinaghihirapan na hanggang ngayon hindi man lang umikot ng isang beses, sa Python na insertion code, sa CAT, sa book 16 ng Don Quixote, sa hindi matapos-tapos na sili juice, kay Maam Marla na hindi nakaturo sa isang buong quarter ng lesson na naturo ni Sir Andaya sa isang upuan, sa mga lalaking hindi man lang lumalapit at nakikipag-usap at nagagalit dahil may sarili ka nang buhay, sa long tests sa simula ng quarter, sa mga math homework na walang katapusan, sa CAT pa ulit, sa kalahating araw na walang pasok na mas efficient pa ay dapat na lang ginawang buong araw na ang walang pasok, at sa napakapangit kong paraan ng pagsalita (or, in this case, pagsulat) sa Pilipino.